Most Wanteds nasakote
Photo Courtesy: PRO MIMAROPA
Ni Samuel Macmac
Aktibo sa pagtugis ng most wanted persons ang Police Regional Office 4B na kung saan ay naaresto ang mahigit 500 indibidwal sa loob ng halos 10 buwan ngayong taon.
Matagumpay na naaresto mula Enero hanggang Oktubre 12, 2026, ang daan-daang most wanted persons, kabilang ang No. 2 na pinaka-wanted sa rehiyon na may kasong murder na bumagsak sa kamay ng mga awtoridad sa ikinasang operasyon sa lungsod ng Puerto Princesa.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Police Station 4 ag suspek para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.
Ang pagkakaaresto sa daan-daang bilang ng mga most wanted persons ay bahagi ng pinaigting na kampanya ng mga awtoridad laban sa mga indibidwal na may standing warrants.
Hinimok naman ni PBGEN Christopher R. Dela Cruz, Regional Director, ang publiko na makipag-ugnayan sa mga kinauukulan patungkol sa impormasyon ng mga wanted persons upang higit pang mapabilis ang pagtugis sa mga indibidwal na may kasong kinahaharap sa korte.