November 3, 2026
FB_IMG_1793707848054

Photo Courtesy: Anna Joy

Ni Rodolfo Idusora

Sugatan ang isang motorista at ang kanyang angkas nang sila’y mabangga ng isang pick-up na tumakas sa halip na tumulong sa pagitan ng Sitio Sta. Fe, Barangay Bacungan, Puerto Princesa City.

Naganap ang insidente nitong Nobyembre 1, bandang alas-2:00 ng hapon habang binabagtas ng motorsiklo ang naturang kalsada.

Ayon kay Anna Joy, kapatid ng driver ng motorsiklo, nabangga sila ng isang pick-up na dumaan sa lugar. Sa halip na huminto at alamin ang kalagayan ng mga biktima, mabilis umanong umalis ang driver ng naturang sasakyan.

Nananawagan ngayon ang pamilya sa publiko na makatulong sa pagtukoy sa driver ng pick-up na sangkot sa insidente.

Partikular na humihingi sila ng impormasyon mula sa mga motorista o may-ari ng sasakyang may dashcam na dumaan sa lugar noong araw at oras ng aksidente.

Anumang video footage o impormasyong maaaring makatulong sa pagkakakilanlan ng pick-up at driver nito ay maaaring ipagbigay-alam sa pamilya o sa kinauukulang awtoridad.

Umaasa ang pamilya na may makapagbigay ng mahalagang impormasyon upang matukoy ang responsable at mapanagot sa nangyaring hit-and-run.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *