November 3, 2026
FB_IMG_1793708506572

Photo courtesy: REPETEK

Ni Rodolfo Idusora

BABALA: Sensitibong balita at larawan. Maging disente sa pagkomento.

Sugatan ang dalawang drayber nang magkabanggaan ang Toyota Hiace van at Toyota Rush sa Zigzag Road, Barangay Luzviminda, Puerto Princesa City, bandang alas-5:30 ng madaling-araw nitong Nobyembre 2.

Agad na rumesponde ang mga tauhan ng Police Station 3 ng Puerto Princesa City Police Office (PPCPO) nang iulat sa kanilang himpilan tungkol sa naganap na aksidente.

Batay sa paunang imbestigasyon ng pulisya, patungong Brooke’s Point mula sa Puerto Princesa City ang Toyota Hiace van nang umano’y pumasok ito sa kabilang lane at sumalpok sa paparating na Toyota Rush.

Ang Toyota Rush ay binabaybay ang naturang kalsada mula Narra patungong Puerto Princesa City nang mangyari ang insidente.
Kapuwa nagtamo ng mga sugat ang dalawang drayber dahil sa lakas ng banggaan. Agad silang isinugod sa Luzviminda Satellite Clinic upang mabigyan ng paunang lunas.

Inilipat sa Ospital ng Palawan ang driver ng Toyota Hiace van para sa karagdagang gamutan.

Nagsagawa ng paunang imbestigasyon ang mga pulis at tiniyak ang pagbibigay ng kinakailangang tulong sa mga sangkot sa aksidente.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng Police Station 3 upang matukoy ang buong pangyayari at iba pang detalye kaugnay ng salpukan.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *