Banta ng ‘Super El Niño,’ pinaghahandaan
Repetek News
Patuloy ang pagsubaybay ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa epekto ng Super El Niño sa lalawigan ng Palawan.
Pinaghahandaan ang naturang phenomenon pagpasok pa lamang ng taong 2026, ayon kay Senior Agriculturist Rodel Cabintoy ng Provincial Agriculture’s Office Palawan.
Kuwento niya sa midya, may ‘buffer stock’ ng bigas ang lalawigan ng Palawan upang labanan ang anumang posibleng malawakang gutom at food shortage dahil sa epekto ng pananalasa ng Super El Niño sa produksiyon ng pagkain.
Sinabi rin ni Cabintoy na kahit pa may Super El Niño ay may nararanasan pa ring tag-ulan dahil kumukuha ang Palawan ng ‘moisture’ mula sa Indian Ocean.