November 23, 2026
FB_IMG_1795438317716

Photo Courtesy: PCG

Ni Albert Villamor Jr.

Paalala ng Philippine Coast Guard (PCG): maging maingat sa paglalayag, i-monitor ang panahon at sitwasyon ng karagatan, sundin ang maritime safety, at siguraduhing nasa maayos na kondisyon ang anumang sasakyang pandagat bago maglayag.

Kamakailan, matagumpay na nailigtas ng mga tauhan ng ahensiya ang isang mangingisda sa Barangay Poblacion, Taytay, Palawan.

Pinasok umano ng tubig-dagat ang bangka ng mangingisdang si Ginoong Recardo G. Rojo.

Ayon kay Rojo, malakas ang hangin nang mangyari ang insidente. Aniya, pabalik siya sa pantalan nang pasukin ang kaniyang bangka. Agaran namang nagsagawa ng rescue operation ang Philippine Coast Guard para rito.

Ligtas na naidala ng Search and Rescue (SAR) Team ang bangka ni Rojo sa pantalan sa pamamagitan ng ‘towing’ alas-11:48 magtatanghaling-tapat.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *