October 31, 2026

Gob. Alvarez: walang SEP clearance hanggang hindi maresolba ang problema sa tubig

0
FB_IMG_1793335994052

Ni Albert Villamor Jr.

Sana walang bagong Strategic Environmental Plan (SEP) Clearance ang dapat i-issue sa iilang barangay sa El Nido hangga’t hindi pa nasosolusyunan ang problema sa kalidad ng tubig.

Ayon sa resulta ng pananaliksik ng Environmental Management Bureau (EMB) ng DENR, mataas pa rin ang fecal coliform level ng iilang bahagi ng El Nido katulad ng Bacuit Bay at stormwater drainages, kasama ang iilang untreated wastewater, bukod sa iba pa.

“Gumawa na po tayo ng no more, sana no more SEP Clearances for certain barangays na po until ma-resolve iyong water problem po sa major barangays po natin sa El Nido,” ani ni Gob. Amy R. Alvarez.

Hindi nabanggit ni Gob. Alvarez kung ano ang apat na naturang barangay.

“Meaning they cannot put up more new businesses in the concerned four proper barangays,” dagdag pa niya.

Ang SEP Clearance ay ini-issue ng Palawan Council for Sustainable Development (PCSD) para masiguradong hindi taliwas ang isang proyekto sa Strategic Environmental Plan (SEP) Law (Republic Act No. 7611) at dapat environmentally sustainable ang isang proyekto, para maging operational, bukod sa iba pa.

Kaugnay sa kalinisan sa El Nido, dapat din ay magkonekta na sa El Nido Sewage and Solid Waste Treatment Plant, o mas kilala bilang STP, lalo ang mga nagnenegosyo. May maximum capacity ito na 1,500 subscribers ‘off-tangent’ na may bayad na ₱3,500 kada buwan.

“May extra-fee. Wala namang problema sa extra-fee; ang mahal-mahal ng mga roads sa El Nido, ‘di ba? Pero wala they’re going to have to comply,” ni Gob. Alvarez.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *