Statutory rape vs. alyas “Jo”
Photo Courtesy: PalPPO
Ni Samuel Macmac
Diretso sa kulungan ang 49-anyos na lalaki na kabilang sa Top 3 Most Wanted Persons sa MIMAROPA nang mahuli ng mga tauhan ng Palawan Provincial Police Office (PalPPO).
Pinangunahan ng Busuanga Municipal Police Station (MPS) ang operasyon upang arestuhin ang suspek na kinilala sa alyas na “Jo”, mangingisda, at residente ng Old Busuanga, Busuanga, Palawan, kamakailan.
Nahaharap sa kasong Statutory Rape through Sexual Intercourse sa ilalim ng Article 266-A ng Revised Penal Code, na inamyendahan ng Republic Act No. 11648, ang suspek.
Isinilbi ng mga awtoridad ang warrant of arrest matapos itong ipag-utos Regional Trial Court (RTC), Branch 163 sa Coron, Palawan. Nakasaad sa kautusan ng hukuman na walang piyansang inirekomenda para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Nasa kustodiya ngayon ng Busuanga MPS ang suspek habang isinasagawa ang dokumentasyon at iba pang kaukulang proseso bago iharap sa hukuman. | via Samuel Macmac
Editor’s Note: “Blurred” ang larawan ng biktima o suspek alinsunod sa probisyon ng Data Privacy Act.