November 8, 2026
FB_IMG_1794098310057

Photo Courtesy: PalPPO

Ni Samuel Macmac

Kasong Qualified Rape of a Minor ang kinakaharap ng No. 2 Regional Most Wanted Person na dinakip ng mga kapulisan, kamakailan.

Ikinasa ang manhunt operation upang hulihin ang suspek na kinilala sa alyas na “Jay-R”, 33-anyos, at residente ng Barangay Punta Baja, sa bayan ng Rizal, Palawan.

Nakasaad sa warrant of arrest ang kinakaharap na kaso ni “Jay-R” na kasong Acts of Lasciviousness sa ilalim ng Article 336 ng Revised Penal Code, na may inirekomendang piyansang P108,000, at tatlong bilang ng Qualified Rape of a Minor, na walang inirekomendang piyansa.

Ang pag-aresto sa ikalawang pinaka-wanted sa rehiyon ay pinangunahan ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station (MPS) sa koordinasyon ng Regional Intelligence Unit (RIU) 4B-PIT Palawan, Palawan Provincial Intelligence Unit (PalPIU), 1st Palawan Provincial Mobile Force Company (PMFC), at Rizal Maritime Law Enforcement Team (MLET).

Dinala ang suspek sa Rizal MPS para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *