November 18, 2026

Arzaga: pagtaas ng kita, mas makabuluhang suporta sa mga magniniyog

0
FB_IMG_1795008657226

Ni Albert Villamor Jr.

Mas makabuluhang suporta sa mga magniniyog ang panawagan kay Francisco P. Tiu Laurel ni Palawan Board Member Ariston D. Arzaga.

Hindi sapat ang sunud-sunod na training kung hindi naman tumataas ang kita ng mga magniniyog.

Ang kailangan, ayon kay Arzaga, ay konkretong suporta sa coconut planting at replanting, irigasyon, high-value crops intercropping, at value-adding na mga aktibidad.

“Isulong natin ang mas malawakang suporta upang maabot ang target na 100 milyong puno ng niyog ni Pangulong Bongbong Marcos. Buti tumutulong si Apple de App sa bagay na ito,” ani Arzaga.

“Sa high value crops intercropping, animal integration value adding. Ang mura ng copra. Sana mas maraming support dahil ang coconut industry ang siyang isang pangunahing export ng bansa na tumutulong sa economy,” sabi rin niya.

Dapat din daw matugunan ang mababang presyo ng copra at tiyaking direktang nakikinabang ang maliliit na magniniyog sa ilalim ng RA No. 11524 o Coconut Farmers and Industry Fund Act.

“Hindi dapat mapag-iwanan ang maliliit na samahan ng mga tunay na magniniyog sa mga programa at tulong ng pamahalaan,” sambit ni Arzaga para kay Tiu Larel na Kalihim ng Department of Agriculture.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *