Walang kuryente sa Miyerkules
Ni Ven Marck Botin
Pansamantalang mawawalan ng suplay ng kuryente ang mga kabahayan at gusali sa Barangay, Sta. Lourdes, Sitio Magarwak, at Bgy. San Jose sa darating na Miyerkules, Nobyembre 18.
Ayon sa Palawan Electric Cooperative, inaasahang tatagal ng tatlong oras at kalahati ang nakatakdang supply shutdown upang bigyang-daan ang relocation ng Banga sectionalizing “Resag of low conductor primary line going to Honda Bay”, at Line clearing sa Brgy Sta. Lourdes.
Mararanasan ang pansamantalang outage mula 8:30 ng umaga hanggang 12 ng tanghali.