November 18, 2026

Tourist drivers, sinanay sa pagmamaneho, customer service

0
FB_IMG_1795009103885

Photo Courtesy: PIO Palawan

Ni Albert Villamor Jr.

Kabuuang 33 na mga local tourist driver ang dumaan sa tatlong araw na pagsasanay o capacity-building seminar noong Nobyembre 11–13, 2026, sa Dario Catering Services, Barangay San Pedro, Puerto Princesa City.

Pinangunahan ang pagsasanay ng Provincial Tourism Promotions and Development Office (PTPDO).

Sa pamamagitan ng inisyatibang ito, patuloy na naisusulong ng Pamahalaang Panlalawigan ang pagpapaunlad ng kakayahan ng mga tourism frontliner upang matiyak ang ligtas at de-kalidad na karanasan ng mga turista sa Palawan, ayon sa Provincial Information Office-Palawan.

Ang mga tinalakay sa seminar ay ang Tour Guiding Techniques, ni Bb. Christy Jimeno; Filipino Brand of Service Excellence (FBSE) Workshop, ni G. Bryan John Dizon; Palawan Tourism Situationer, ni G. Mark Kenneth B. Camama; Filipino Brand of Service Excellence (FBSE) Workshop, ni G. Bryan John Dizon; at Correct Driving Techniques, ni G. Nardo Naguiat.

Layunin ng pagsasanay na palakasin ang kaalaman at kasanayan ng mga kalahok sa road safety, destination awareness, at customer service upang mapahusay ang kanilang pagbibigay-serbisyo sa mga turistang bumibisita sa lalawigan, ayon pa rin sa PIO-Palawan.

Pinangunahan ang pagbubukas ng seminar nina Board Member Roseller “Toto” Pineda at Department of Tourism (DOT) MIMAROPA Assistant Regional Director Gladys Quesea.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *