November 23, 2026

Pinakamahal na handbag na naibenta sa kasaysayan ng mundo

0
FB_IMG_1795320573642

Photo Courtesy: Repetek

Ni Albert Villamor Jr., LPT

Noong Hulyo 2025, ang ‘Jane Birkin’s Original Hermes Birkin Bag’ ang pinakamahal na klase ng handbag na naibenta sa kasaysayan ng mundo.

Ang nakabili ng bag ay isang Japanese na private collector, matapos ang sampung minutong bidding kalaban ang iba pang bidders na gusto ring mabili ang mamahaling item.

Ang disenyo ng bag ay nabuo matapos magkadaupang-palad sa isang chance flight noong kalagitnaan ng 80s si Hermès executive Jean-Louis Dumas ni Birkin. Dinisenyo ang bag para lang kay Jane Birkin.

Ayon kay Birkin, wala pa siyang nakikitang isang handbag na available sa merkado na kayang dalhin o i-accommodate ang lahat ng pangangailangan o essentials niya. Kaya, gumuhit si Dumas ng isang disenyo nang pinaghalong ‘silbi’ at ‘elegance’ para sa kanya.

Bago nabenta, lampas isang dekada nang ginagamit ni Birkin ang nasabing mamahaling handbag. Ginamit niya ito hindi lamang parte ng kanyang fashion pero para rin magpahayag ng kanyang pananaw sa mga isyung politikal.

Ang disenyo ng handbag ay pinagsamang: Nail Clipper; Stamped J.B; Inner Zip; Bottom Studs; Metal Rings (Pontet); Hardware; Shoulder Strap; at size.

Ayon sa Sotheby’s, mahal ang presyo ng ‘Jane Birkin’s Original Hermes Birkin Bag’ dahil iisa lang ang prototype nito, nagdadala ito ng dambuhalang cultural prestige, at hindi basta-basta mabibili ang naturang kalse ng handbag ng Birkin dahil sa “built-in scarcity”.

Nagkakahalaga ang bag ng $10.1 million (mahigit ₱644,885,000) na naibenta sa isang auction ng Sotheby’s sa Paris, France.

“Presented in the exact condition in which Jane last used it, the bag still bears her initials “J.B.” and features her nail clipper hanging from the strap—a testament to its deeply personal significance. Crafted in Hermès Black Box leather with gilded brass hardware, its unique construction, a hybrid of the Birkin 35’s width and height and the Birkin 40’s depth, adds to its one-of-a-kind status. Other notable elements include closed metal rings (similar to the HAC model), a non-removable shoulder strap, smaller bottom studs, and an inner zip from the Éclair company,” ayon sa Sotheby’s.

Si Birkin ay isang public figure o sikat na personalidad na French at British bilang mang-aawit, aktres, manunulat, at direktor.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *