November 23, 2026
FB_IMG_1795263926566

Photo Courtesy: PPCPO

Ni Rodolfo Idusora

Inaresto ng mga tauhan ng Police Station 2 (PS2) ang No. 5 Provincial Most Wanted Person sa ikinasang operasyon sa South National Highway, Barangay Irawan, Puerto Princesa City, nitong Nobyembre 19.

Kinilala ang suspek sa alyas na “Banong,” 28-anyos, binata, isang mangingisda, at residente ng Barangay Inagawan Sub, nabanggit na lungsod.

Ikinasa ang operasyon ng PS2 sa koordinasyon ng Intelligence at IMF2-West ng Philippine Navy.

Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court, 4th Judicial Region, Branch 47, Puerto Princesa City, noong Nobyembre 17, taong kasalukuyan.

Nahaharap ang suspek sa kasong Robbery with Violence Against or Intimidation of Persons sa ilalim ng Article 294, Paragraph 5 ng Revised Penal Code.

Dinala ang suspek sa Police Station 2 ng Puerto Princesa City Police Office (PPCPO) kung saan siya kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya para sa dokumentasyon at kaukulang proseso.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *