November 23, 2026
FINAL PHOTO - 2026-11-23T091601.025

May mga kumakalat na “diumano’y” peke o ‘counterfeit anti-rabbiersvaccine’ sa Aborlan.

Ayon kay Board Member Rafael Ortega Jr., maaring nagamit na ito.

Mayroon daw ‘discoloration’ o pagbabago ng kulay ang lalagyan o karton ng mga pekeng anti-rabbies vaccines, na nais paimbestigahan ni Ortega; kahit pa may mga nagsasabi na gamitin na ito ganu’npaman.

“Ngunit paano kung ang bakunang inaasahang magliligtas ng buhay ng pasyente ay peke pala? Paano kung ang gamot na inaakalang proteksiyon ay walang sapat na bisa o hindi ligtas gamitin? Hindi lamang pera ang nasasayang sa ganitong sitwasyon. Mas masahol pa rito, ang buhay ng tao ang nalalagay sa panganib o peligro,” ayon sa talumpati ni Ortega sa Sangguniang Panlalawigan ng Palawan.

Panawagan ni Ortega sa Food and Drug Administration, Provincial Health Office, at iba pang kaugnay na tanggapan na imbestigahan at komprehensibong suriin ang nasabing mga pekeng anti-rabbies vaccine.

“Sa usaping may kinalaman sa buhay ng tao, hindi sapat ang pag-aakala. Hindi sapat ang pagdududa. Ang kailangan ay katiyakan. At ang katiyakang ito ay dapat manggaling sa masusi, siyentipiko, at transparent na proseso ng beripikasyon,” aniya.

Isusumite rin ng kinauukulan ang mga sample ng diumano’y pekeng vaccine sa Department of Health (DOH) para sa ‘testing’.

Sa parte ng SP-Palawan, ipapatawag nila ang PrinceMark na bidder ng proyekto; municipal mayor ng Aborlan; at ang General Services Officer ng Aborlan, sa gagawing pagdinig ng Committee on Health ng SP-Palawan, sa Disyembre.

Iniakyat sa SP-Palawan ang ‘problema’ ng Sangguniang Bayan ng Aborlan sa hiling ni SB Member Rafael Ortega III.

via Albert Villamor Jr.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *