Isinauli sa LTO
Photo Courtesy: LTO
Repetek News
Pormal na isinauli ni Palaweno Rapper at Vlogger Geo Ong ang kaniyang lisensiya sa Land Transportation Office (LTO) nitong Lunes ng umaga, Nobyembre 23.
Sinabi ni LTO Asec. Markus Lacanilao sa panayam ng midya na suspendido ang lisensiya ni Ong habang gumugulong ang imbestigasyon.
Aniya pa, siyamnapung (90) araw o tatlong buwan ang itatagal ng suspensiyon ng driving license ng vlogger.