November 27, 2026

Namayagpag sa pagsusulit sa mga bagong guro

0
FB_IMG_1795766812976

Photo courtesy: Pioneer Publication

Ni Albert Villamor Jr.

Makasaysayan ang Licensure Examinations for Professional Teachers (LEPT) 2026 sa Palawan State University (PSU) noong Setyembre, dahil pito (7) sa mga graduates nito ang nagawang maging topnotchers sa naturang pagsusulit para maging ganap na professional na guro sa Pilipinas.

Sa kauna-unahan ding pagkakataon, nagkaroon na ang PSU-College of Teacher Education (CTE) ng isang topnotcher na nag-major sa English sa katauhan ni Jamela Intan.

Para sa secondary level, naging top-2 sina Mc Kayla Mae Bandola (PSU-PPC) and Jeffrey De Castro (PSU-PPC) na nakapagtala ng board exam rating na 95.00%. Pumang-anim na puwesto naman si Jamela Intan (PSU-PPC) sa 94.20%; pampitong puwesto si Karresa Bethyl Kate Garcia (PSU-PPC) sa 94.0%; pumang-siyam si Laica Losala (PSU-PPC) sa 93.60%; at pang-sampung puwesto si Jovel Aguilar (PSU-Brooke’s Point) sa 93.40%.

Sa elementary level naman, nasungkit ni Jacqueline Aguilar of (PSU-Roxas) ang ikalawang puwesto sa board rating na 95.0%.

Ayon pa sa pahayag ng PSU tungkol sa nakamit ng mga graduates nito sa naturang professional board exam: “Strong institutional performance across campuses beyond individual honors, the PalawanSU Puerto Princesa (Main) Campus recorded an impressive 84.50% passing rate among its first-time takers, decisively outperforming the 75.98% national passing rate by more than eight percentage points”.

“This another milestone reflects the unwavering dedication of PalawanSU’s graduates, faculty members, and academic leaders in advancing quality teacher education across Palawan,” ayon pa rin sa PSU.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *