September 5, 2026

Anu-ano ang mga pakulo sa Purongitan Festival sa Cuyo?

0
image-1011024485302185

Nagdiwang kamakailan ang mga tribong Cuyunon ng Purongitan Festival 2026 sa Cuyo, Palawan, Agosto 5-28. Ang Purongitan Festival ay isang selebrasyon sa bayan ng Cuyo kada taon na ipinagdiriwang ang isang santo na si San Agustin. Sa pagdaan ng panahon, ipinagdiriwang na rin nito ang natatanging kultura, ganda, at tradisyon ng mga Cuyunon at Cuyo.

Sa pagdiriwang, kinukulayan ng mga Cuyonon ang kanilang mga katawan ng iba’t ibang kulay, lalo na ng kulay asul habang nagdiriwang.

Ang tema ng pagdiriwang ngayong taon ay “Ikadengeg ang kultura, icelebra ang pagto ig ipasikat ang natural nga manggad ig turismo”.

Noong Agosto 23, isinagawa na ang Grand Opening Parade (Parada Y ang mga Cuyonon) ng selebrasyon.

Agosto 27 nang ganapin ang: Ati-Ati sa Cuyo, Diana, Gabi Y Ang Municipio, Gabi ang Pasasalamat y Congresswoman Salvame.

Nitong Agosto 28, nagsagawa naman nang: Unang Misa, Pangarwang Misa, Prosision, Pangatlong Misa, Saraotan sa Plaza (Foam Party) na pinangungunahan ng Tanduay.

Pero bago pa man magtapos ang selebrasyon, may mga nauna ng naganap sa selebrasyon:

Agosto 5-22: Pakarawat sa Purongitan.

Agosto 23: Misang pasasalamat, para y ang mga Cuyunon, pakende-kende, togtogan sa Purongitan.

Agosto 24: Bangkarera, Pakarawat (laro ng lahi), Diana (Saint Joseph Academy), Gabi Y Ang DepEd.

Agosto 25: Dalagan sa Purongita (Color Fun Run), Polog Polog sa Purongitan, Diana, Gabi y ang Palawan State University-PCAT.

Agosto 26: Sambali sa Purongitan, Diana, Gabi ang pasasalamat y gobernador Amy R. Alvarez (Governor’s Night).

Agosto 27: Ati-Ati sa Cuyo, Diana, Gabi Y Ang Municipio, Gabi ang Pasasalamat y Congresswoman Salvame.

Agosto 28: Unang Misa, Pangarwang Misa, Prosision, Pangatlong Misa, Saraotan sa Plaza (Foam Party) sponsored by Tanduay.

Ipinadala ang mga impormasyong ito ni Vice Mayor Edwin Timbancaya ng Cuyo, Palawan.

Via: Albert Villamor Jr.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *