Photo courtesy | WPU/PRC

Ni Marie F. Fulgarinas

PALAWAN, Philippines — Top 5 si Western Philippines University (WPU) Puerto Princesa Alumna Alexis Gervacio Sumbe sa kakatapos lang na Licensure Examination for Fisheries Professionals nitong buwan ng Oktubre, ayon sa inilabas na resulta ng Professional Regulation Commission (PRC) kagabi, Lunes, Nobyembre 6.

Isa si Sumbe sa tatlong nag-tie sa Top 5 na nakakuha ng 85.50% rating kasama ang dalawa pang indibidwal mula sa iba pang unibersidad sa Pilipinas.

Batay sa resulta ng pagsusulit, nasa 716 indibidwal ang pumasa mula sa 2,124 na examinees o katumbas nito ang 33.71 kabuuang porsyento ng mga pumasa.

Samantala, Rank No.1 naman si Adrian Cayabyab dela Cruz mula sa Pangasinan State University – Binamaley na nakakuha ng 87.50% rating.

Kaugnay rito, isinagawa ang pagsusulit noong Oktubre 25-26, 2023 sa iba’t ibang testing centers sa bansa.

Author