Ni Marie F. Fulgarinas

PUERTO PRINCESA CITY — Nagpaabot ng malugod na pagbati ang pamunuan ng Palawan State University (PalSU) kay Engineer Jeffrey Hugo de Castro, Faculty Member ng College of Sciences, makaraang maiulat na kasama siya sa Top 10 ng katatapos lang na December 2023 Chemical Technician Licensure Exam.

Isa si De Castro sa walong (😎 indibidwal mula sa iba’t ibang unibersidad sa Pilipinas ang napabilang sa Top 4 spot sa naturang board exam na nakakuha ng 91% general rating.

Nagtapos sa kursong Petroleum Engineering at Master of Science in Environmental Management si De Castro sa PalSU Puerto Princesa Campus habang nagtapos naman ito ng kursong Chemical Engineering sa Cebu Institute of Technology – University.

Author