Ni Marie F. Fulgarinas

PUERTO PRINCESA CITY – Wagi ang P1,000 polymer banknote ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) bilang “Best New Banknote Award” ng High Security Printing TM Asia (HSPA) para sa taong 2023 na ginanap sa Colombo, bansang Sri Lanka.

Matatandaang taong 2022 nang manalo rin ang nasabing salapi bilang “Banknote of the Year Award” ng International Banknote Society.

Dagdag dito, nakuha rin ng BSP’s communication campaign para sa nasabing banknote ang “Best New Currency Public Engagement Program” mula sa International Association of Currency Affairs nitong nakalipas na Mayo 2023.

Author