Puerto Princesa City | Sa pangunguna ni Narra Mayor Gerandy ‘Noty’ Danao, namahagi ng tulong ang Lokal na Pamahalaan ng bayan ng Narra, Palawan nitong Pebrero 10, 2024 para sa mga naging biktima ng nagdaang sunog sa Brgy. Bagong Silang at Brgy. Pagkakaisa, lungsod ng Puerto Princesa.
Kasama ang kanyang grupo, personal na ipinamahagi ng Alkalde ang mga relief goods na kinabibilangan ng iba’t-ibang kagamitan at pagkain na nagmula pa sa mga residente ng naturang munisipyo na tulong-tulong umanong nagbigay ng kanilang tulong upang maipaabot sa mga apektadong mamayan ng lungsod.
Matatandaang, tinatayang nasa 400 na mga kabahayan ang tinupok ng apoy sa naturang mga barangay na kung saan nasa higit 600 pamilya ang apektado at patuloy na nangangailangan ng anumang tulong.
Ayon sa facebook post ng Municipality of Narra, agad umanong gumawa ng paraan si Mayor Danao upang makalikum ng mga kagamitan at pagkain mula sa mga kababayan sa nasabing munisipyo.