Photo Courtesy | Coast Guard Roxas, Palawan

Ni Marie F. Fulgarinas

PUERTO PRINCESA CITY โ€” Naaagnas na ang bangkay ng mangingisdang apat (4) na araw nang nawawala nang itoโ€™y matagpuan sa karagatang sakop ng Green Island sa bayan ng Roxas, Palawan, kaninang umaga, Huwebes, Pebrero 29.

Sa ulat ng mga awtoridad, nawala ang 54-anyos na mangingisda makaraang mahulog sa sinasakyan nitong bangka nitong nakalipas na Lunes sa karagatang sakop ng bayan ng Dumaran.

Kinilala ang mangingisda na si Rosalito Padon, walang asawa, at residente ng Barangay Bacao, bayan ng Dumaran.

Sa ikinasang Search and Rescue Operations ng Philippine Coast Guard Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) at Bantay Dagat ng lokal na pamahalaan ng Dumaran, natagpuan ang bangkay ni Padon sa tulong ng impormasyon ng Bantay Dagat Roxas.

Author