Ni Marie F. Fulgarinas
PALAWAN, Philippines โ Napakapagtala ng walong ( pagdaong ng international cruise ships ang nabanggit na lungsod sa unang kwarter o unang tatlong buwan nang taong 2024, ayon kay Michie Meneses, kawani ng city tourism office.
Sa kaniyang latest Facebook Reels, ibinahagi ni Meneses na ang walong cruise ships ay kinabibilangan ng Vasco Da Gama, Westerdam, Riviera, Norwegian Jewel, Westerdam, Crystal Symphony, Queen Victoria, at Seabourn Sojourn.
Dagdag pa ni Meneses, babalik ang pagdagsa ng cruise ships sa Puerto Princesa sa buwan ng Nobyembre at Disyembre ngayong taon.
Sinabi rin nito na maaaring may dadaong na cruise ship sa lungsod sa darating na buwan ng Hunyo.
โCruise ship arrivals in the city will resume on November and December! But, there’s another info that there might be an arrival in June,โ ani Meneses.