Ni Marie F. Fulgarinas

PUERTO PRINCESA CITY — Binawian ng buhay ang isang 10-taong gulang na batang babae matapos masalabay o “jellyfish sting” na nagdulot ng “severe allergic reaction” sa kaniyang katawan sa Bgy. Poblacion, nabanggit na bayan, nitong Linggo, Marso 24, 2024.

Ayon sa lokal na Pamahalaan ng Araceli, sinubukan pa itong isalba ng mga health workers ngunit pagkalao’y binawian ito nang buhay.

Nagbabala naman ang lokal na pamahalaan na maging responsable ang mga magulang at bantayan ang mga bata para makaiwas sa anumang trahedya.

Author