Ni Marie F. Fulgarinas
PUERTO PRINCESA CITY — TUKOY na ang pagkakakilanlan ng babaeng natagpuang patay makaraang pagbabarilin sa Barangay Oring-Oring nabanggit na bayan, pasado alas-otso nang gabi nitong araw ng Linggo, Marso 24.
Kinilala ang biktima na si Geraldine Daganta, 44-taong gulang, nagpapautang, at residente ng Brgy. Mambalot, bayan ng Brooke’s Point.
Sa impormasyong nakalap ng
Repetek News
, nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa nangyaring krimen at inaalam ang pagkakakilanlan ng mga suspek at motibo sa pamamaril.