
PHOTO//PHILIPPINE COAST GUARD
Ni Ven Marck Botin
ARESTADO ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine National Police (PNP) ang dalawang (2) hinihinalang illegal recruiters sa barangay Binuangan, Isabela City, Basilan, kahapon, ika-29 ng Mayo 2023.
Ayon sa isinagawang entrapment operation ng dalawang ahensya, βnaaktuhan ng mga otoridad ang personal na pagtanggap ng mga suspek sa βmarked moneyβ na nagkakahalaga ng β±91,000 mula sa mga nagpanggap [na] aplikante ng PCGβ.
Nakuha sa pagmamay-ari ng mga suspek ang βpatung-patong na PCG application folders, [cellular phone, at sling bag na naglalaman] ng βmarked moneyβ.
Kinilala ang mga suspek na sina Yazier Tanji Balling at Rodel Alegre Lagayan, mga wastong gulang, mga residente ng Bgy. Kaumpurnah Zone 1 at Lapiedad sa nabanggit na bayan, lalawigan ng Basilan.
Nahaharap naman sa kasong paglabag sa Article 315 ng Revised Penal Code o Estafa ang dalawang suspek.
Dagdag dito, nananawagan naman ang Philippine Coast Guard sa mga aplikante na agarang ipagbigay-alam sa kanilang ahensya ang ganitong uri ng mga gawain nang mabigyan ng agarang aksiyon.