Skip to content

Repetek.News

Ang Diyaryo ng Pilipino

Primary Menu
  • NEWS
    • METRO PUERTO
    • NATIONAL
  • BUSINESS
  • LIFESTYLE
    • CULTURE
    • RELIGION
    • FENG SHUI
    • ALAM MO BA
  • COMMUNITY
    • PALAWAN AFFAIRS
    • POLICE REPORT
  • ENVIRONMENT & TOURISM
    • FLORA & FAUNA
  • WEATHER
  • SPORTS
  • OPINION
  • ABOUT US
  • Home
  • Community
  • Palawan Affairs
  • Pang. Marcos Jr., tinanggap ang pagsali ng France sa Military Exercise sa West PH Sea
  • National and International
  • Palawan Affairs

Pang. Marcos Jr., tinanggap ang pagsali ng France sa Military Exercise sa West PH Sea

Vivian Bautista May 11, 2024 2 minutes read
Pang. Marcos Jr., tinanggap ang pagsali ng France sa Military Exercise sa West PH Sea

Bloomberg File Photo

PALAWAN, PHILIPPINES – Malugod na tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagsali ng gobyerno ng bansang France sa military exercise sa West Philippine Sea (WPS) na layon ay palakasin ang puwersang militar ng mga kaalyadong bansa.

Sa isang panayam kay Pang. Marcos noong namahagi ang pangulo ng tulong sa Lungsod ng General Santos, inihayag nitong nagpapasalamat siya sa pandaigdigang suporta sa bansang Pilipinas sa gitna ng tensyon sa mga pinagtatalunang karagatan.

“Kami’y nagpapasalamat sa lahat ng mga iba’t ibang bansa kahit na nanggagaling sa malayo pa ngunit sila ay handang tumulong sa atin.

At kapag tayo’y nagkaproblema, very supportive sila hindi lamang sa salita kung hindi pati na rin sa mga tinatawag na joint cruises.

Kaya’t lahat ng tumutulong sa atin, lahat ng tumutulong sa Pilipinas, kami’y nagpapasalamat at ito ay magiging malaking bagay, malaking tulong para mapayapa at maging stable ang West Philippine Sea,” pahayag ng Pangulo.

Ang pagsama ng bansang France sa nasabing ehersiyo ay nagpapahiwatig ng lumalaking suporta mula sa internasyunal na komunidad upang itaguyod ang mga karapatan ng Pilipinas sa WPS, ayon pa kay Marcos Jr.

Aniya, mahalaga ang suporta mula sa internasyunal na komunidad upang magarantiya ang kalayaan sa paglalayag sa WPS at hindi maaapektuhan ang pandaigdigang ekonomiya.

Matatandaang, nitong Abril 25, sinimulan ang ika-39 na pag-ulit ng Balikatan Exercise ’24 na ginanap sa iba’t ibang bahagi ng bansa na kung saan ay nilahukan ito ng labing-apat (14) na mga kaalyadong bansa.

About the Author

Vivian Bautista

View All Posts

Post navigation

Previous: Infra Exhibit ng City Gov’t, matagumpay
Next: Livelihood equipment, ipinamahagi sa samahan ng BICDA

Related News

1783420619185
  • Palawan Affairs
  • Police Report

ALYAS “MINMIN”, 3 COUNTS NG RAPE ANG KAHAHARAPIN

Repetek News

July 7, 2026 0
1783425680666
  • Palawan Affairs
  • Police Report
  • Regional News

MANGINGISDA MULA OCCMIN, HULI SA SAN VICENTE

Repetek News

July 7, 2026 0
1783458944347
  • Palawan Affairs
  • Police Report

2 KALALAKIHAN, HULI SA AKTONG GUMAGAMIT NG ILIGAL NA DROGA

Repetek News

July 7, 2026 0

Recent Posts

  • KRITIKAL SA ROAD CRASH
  • ALYAS “MINMIN”, 3 COUNTS NG RAPE ANG KAHAHARAPIN
  • MANGINGISDA MULA OCCMIN, HULI SA SAN VICENTE
  • 2 KALALAKIHAN, HULI SA AKTONG GUMAGAMIT NG ILIGAL NA DROGA
  • Locally extinct na Philippine Deer, muling nasilayan

Recent Comments

  1. Prov’l Health, puspusan sa pagkasa ng HIV-related training – REPETEK.NEWS on HIV ang mas malaking problema ng Pilipinas: DOH

Trending Now

Latest News

  • KRITIKAL SA ROAD CRASH
  • ALYAS “MINMIN”, 3 COUNTS NG RAPE ANG KAHAHARAPIN
  • MANGINGISDA MULA OCCMIN, HULI SA SAN VICENTE
  • 2 KALALAKIHAN, HULI SA AKTONG GUMAGAMIT NG ILIGAL NA DROGA
  • Locally extinct na Philippine Deer, muling nasilayan

You may have missed

KRITIKAL SA ROAD CRASH
  • Metro Puerto
  • Police Report

KRITIKAL SA ROAD CRASH

Repetek News

July 7, 2026 0
1783420619185
  • Palawan Affairs
  • Police Report

ALYAS “MINMIN”, 3 COUNTS NG RAPE ANG KAHAHARAPIN

Repetek News

July 7, 2026 0
1783425680666
  • Palawan Affairs
  • Police Report
  • Regional News

MANGINGISDA MULA OCCMIN, HULI SA SAN VICENTE

Repetek News

July 7, 2026 0
1783458944347
  • Palawan Affairs
  • Police Report

2 KALALAKIHAN, HULI SA AKTONG GUMAGAMIT NG ILIGAL NA DROGA

Repetek News

July 7, 2026 0
You may also follow us on Facebook! | MoreNews by AF themes.