Ni Marie F. Fulgarinas
PUERTO PRINCESA CITY — Bangkay na nang marekober ng mga awtoridad ang mangingisdang ilang araw ng nawawala sa Barangay Salang, Balabac, Palawan, nitong umaga ng Biyernes, Mayo 17.
Ang biktima ay kinilalang si Pah Aking na ilang araw nang pinaghahanap ng mga awtoridad makaraang tumalon umano ito sa kaniyang sinakyang bangka na naiulat na nasusunog ito.
Sa ulat ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) Balabac, narekober ang katawan ng biktima malapit sa lugar kung saan natagpuan din ang kaniyang bangka.
Ayon pa sa ahensya, nasa decomposition stage na ang katawan ng biktima.