Photos courtesy | PCSDS

PUERTO PRINCESA CITY — Isang Pagong o Asian Box Turtle (Cuora amboinensis) ang ibinigay ng isang residente sa tanggapan ng Palawan Council for Sustainable Development (PCSDS) nitong ika-22 ng Hulyo, taong kasalukuyan.

Ayon sa tanggapan ng ahensya, nakita ni Ginoong Leo na residente ng Purok Kaakbayan, Barangay Tiniguiban, ang naturang buhay-ilang sa kanal sa kanilang lugar kaya’t agad niya itong dinala sa tanggapan dahil sa pag-aalalang mapahamak o magutuman ito.

Ang nasabing pagong ay isang babae na may habang 22cm ang lapad ng carapace.

Pakiusap ng ahensya kung sakali mang makapulot o makakita ng buhay-ilang ay agad ipagbigay alam o i-turnover sa nasabing tanggapan para sa tamang pangangalaga ng mga ito.

Mangyari ring tumawag sa numerong 09319642128 (TNT) o sa 09656620248 o magpadala ng mensahe sa kanilang Facebook page.