Photo courtesy | PIO Palawan

PUERTO PRINCESA CITYโ€” Magbibigay ng tulong pinansiyal ang Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan (PGP) para sa mga Palaweรฑong kukuha ng Bar ngayong darating na Setyembre, taong kasalukuyan.

Batay sa tanggapan ng impormasyon ng kapitolyo, pawang mga lehitimong Palaweรฑo o mga naninirahan sa mga munisipalidad ng lalawigan ang maaaring makakuha ng nasabing tulong pinansiyal dahil sa limitado lamang ito.

Ayon pa sa opisina, gumawa ang PGP ng survey form upang alamin ang bilang ng mga nagtapos ng Juris Doctor na nagnanais na humingi ng tulong pinansiyal para sa kanilang pagsusulit ngayong Bar 2024.