Photo courtesy | COMELEC

Ni Marie Fulgarinas

Inanunsiyo ng Tanggapan ng City Election Officer sa ilalim ng Commission on Elections o COMELEC na magkakaroon ng Special Satellite Registration para sa mga kapatid nating persons deprived of liberty o PDLs sa darating na buwan ng Setyembre sa mga piitan ng Lungsod ng Puerto Princesa at lalawigan ng Palawan.

Batay sa iskedyul na ibinahagi ng opisina, nakatakdang magkaroon ng votersโ€™ registration sa ika-5 ng buwan sa Panlalawigang Piitan sa Bgy. Bancao-Bancao habang sa ika-6 naman ng kaparehong buwan gaganapin ang aktibidad sa City Jail, Bgy. Sta. Monica, nabanggit na lungsod.

Kaugnay rito, magsisimula ang aktibidad sa ganap na alas-otso nang umaga (8:00 a.m.) na magtatagal hanggang alas-singko nang hapon (5:00 p.m.).

Ang kautusan ay aprubado ni City Election Officer Atty. Julius Nuestro Cuevas.

Author