Photo courtesy | JBC

PUERTO PRINCESA CITY — Sabay-sabay na naghain ng kanilang Certificate of Candidacy sa Provincial Commission on Election (Comelec) Palawan si Re-electionist Governor Victorino Dennis M. Socrates nitong Miyerkules, Oktubre 2, kasama ang ilan sa kaniyang mga kaalyado sa pulitika.

Pinangunahan ng gobernador ang paghahain ng sertipikasyon kasama ang kanyang running mate na sina Frederick F. Abueg bilang Bise Gobernador at Atty. Cyrille F. Abueg-Zaldivar para Kongresista ng ikalawang distrito ng Palawan.

Naghain din ng kandidatura sa pagka-board member na sina Crite Sabando Miguel para sa unang distrito, Sharon Q. Abiog -Onda, Belen B. Abordo, City Councilor Nesario G. Awat, Engr. Nelson M. Gabayan para 2nd district, at Efren M. Empot sa ikatlong distrito.

Naroon naman sina Board members Maria Angela Sabando, Nieves C. Risento, at Arnel P. Abrina upang magbigay ng kanilang suporta sa iba pang kaalyado ng Lakas ng Sambayanang Palawenyo Alliance.

Nagtungo rin sa tanggapan ng Comelec upang magpakita ng suporta sina Narra Mayor Gerandy Danao at Elroy John “Clink” M. Hagedorn na anak ng namayapang Cong. Edward Hagedorn ng ikatlong distrito ng Palawan.