PUERTO PRINCESA — Mainit na tinanggap ni Brigadier General Antonio G. Mangoroban Jr., Commander ng 3rd Marine Brigade, ang pagreretiro sa puwesto ni Vice Admiral Toribio D. Adaci Jr. nitong araw ng Lunes, Oktubre 21.
Si Adaci Jr. ang ika-40 Flag Officer in Command ng Philippine Navy, sa 3rd Marine Brigade, na miyembro ng Philippine Military Academy “Makatao” Class of 1989 at tubong Ifugao.
Sa kaniyang talumpati, pinuri ni Adaci Jr. ang pangako ng Philippine Marine Forces na gawing insurgency-free ang lalawigan ng Palawan.
Nagpapasalamat din ang opisyal sa 3rd Marine Brigade para sa kanilang walang tigil na suporta sa panahon ng kaniyang panunungkulan bilang FOIC kung saan ay magreretiro na sa kaniyang puwesto sa darating na Nobyembre 15, ngayong taon.
Dumalo naman sa kaganapan sina MGen Arturo G. Rojas, Commandant ng Philippine Marine Corps, at Commo. Allan M. Javier, Commander ng Naval Forces West.