Pinakaunang nakasungkit ng gintong medalya sa #BatangPinoy2024 National Championships si Courtney Jewel Trangia mula lalawigan ng Masbate matapos manguna sa U18 Women’s Discus Throw event sa iskor 38.30 meters.
Si Trangia rin ang three-peat gold medalist makaraang pangunahan ang dalawang huling edisyon ng Batang Pinoy nat’l games.
Samantala, nasungkit naman ni Hanna Ashlei Regaya ng Davao del Norte ang unang silver habang napanalunan naman ni Trisha Gayle Nalla ng Maasin City ang unang bronze medal.