Photo courtesy | PPO

Isang lalaki na residente ng Barangay Malcampo sa bayan ng Roxas ng lalawigan ng Palawan ang inaresto ng awtoridad.

Base sa police report ngayong ika-2 ng Disyembre, taong kasalukuyan, kinilala ang naarestong indibidwal na alyas “Francis” na nakalistang Most Wanted Person Rank Number 3 Regional Level.

Naaresto ang wanted sa bisa ng Warrant of Arrest (WOA) na inisyu ni Presiding Judge Emmanuel Q. Artazo ng Family Court, Branch 14, Taytay, Palawan dahil sa Statutory Rape.

Wala naman kaukulang piyansa ang inirekomenda para sa lalaki na itinuturing na Most Wanted.

Kasalukuyan naman nasa kustodiya na ng Roxas Municipal Police Station (MPS) ang wanted para sa documentation at tamang disposisyon.

Samantala, naging matagumpay ang pagkakaaresto sa lalaking pinaghahanap ng batas sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Roxas MPS, 2nd PMFC Palawan Provincial Police Office (PPO), 401st B MC RMFB, at Regional Intelligence Division (RID).

Author