Photo Courtesy | Palawan PPO

Natagpuang palutang-lutang ang bankay ng isang lalaki, hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan, sa karagatang sakop ng Brgy. Berong sa bayan ng Quezon, Palawan, bandang alas-10:00 ng umaga nitong araw ng Miyerkules, Enero 22.

Nadiskubre ang nasabing bangkay ng kapuwa-mangingisda na agad namang ipinagbigay-alam sa mga awtoridad.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, posibleng pagkalunod ang naging dahilan ng pagkamatay ng lalaki habang nangingisda dahil umano sa malakas na alon bunsod ng masamang panahon.

Posible umanong nahulog ang biktima mula sa sinasakyang motorbanca habang nangingisda ito sa nasabing katubigan.

Sumailalim naman ang bangkay sa post-mortem examination habang patuloy namang nagsasagawa ng follow-up investigation upang matukoy ang pagkakakilanlan nito.

Ayon pa sa pulisya, ang biktima ay tinatayang may taas na limang talampakan, nakasuot ng itim na long sleeves, at itim na pantalon.

Author