Skip to content

Repetek.News

Ang Diyaryo ng Pilipino

Primary Menu
  • NEWS
    • METRO PUERTO
    • NATIONAL
  • BUSINESS
  • LIFESTYLE
    • CULTURE
    • RELIGION
    • FENG SHUI
    • ALAM MO BA
  • COMMUNITY
    • PALAWAN AFFAIRS
    • POLICE REPORT
  • ENVIRONMENT & TOURISM
    • FLORA & FAUNA
  • WEATHER
  • SPORTS
  • OPINION
  • ABOUT US
  • Home
  • Community
  • Palawan Affairs
  • Tanod, isinuko ang homemade shotgun sa pulisya ng Busuanga
  • Palawan Affairs
  • Police Report

Tanod, isinuko ang homemade shotgun sa pulisya ng Busuanga

Repetek News

January 28, 2025 2 minutes read
Tanod, isinuko ang homemade shotgun sa pulisya ng Busuanga

Photo courtesy | Busuanga Public Information

ISINOLI ng isang lalaki ang isang homemade na shotgun 12GA na walang serial number sa istasyon ng pulisya ng Busuanga, Palawan, nitong ika-28 ng Enero, taong kasalukuyan.

Base sa impormasyon, isang barangay tanod ang boluntaryong sumuko ng nasabing armas sa awtoridad na kinilalang si Leo Mantana Bacaltos, 43-taong gulang, at residente ng barangay San Rafael ng bayan ng Busuanga, Palawan.

Ayon kay Bacaltos, ang nasabing baril ay isinuko sa kanya ng isa sa mga residente ng kanilang barangay na natagpuan ito sa isang abandonadong bahay sa lugar.

Kasalukuyan naman nasa kustodiya ng istasyon ng pulisya ng Busuanga ang nasabing baril.

Ang pagsuko sa nasabing armas ay alinsunod ng pinaiigting na kampanya ng Philippine National Police (PNP) na Oplan Katok. Layunin nito na mabawasan ang bilang ng mga hindi rehistradong baril at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa mga komunidad.

Sa pamamagitan ng pagbisita sa mga tahanan at paghimok sa mga may-ari ng baril na hindi rehistrado na boluntaryong isuko ang kanilang armas, nagiging mas ligtas ang mga barangay at komunidad.

Samantala, nasa 1,151 firearms ang boluntaryong isinuko ng iba’t ibang mamamayan mula Enero 1 hanggang Disyembre 31, 2024.

Umabot naman sa kabuuang 10,676 firearms ang naipon mula sa iba’t ibang operasyon ng kapulisan na kung saan nasa kustodiya ng mga lokal na pulisya ang mga nasabing baril upang maiwasan ang iligal na paggamit ng mga ito ng mga nagmamay-ari.

Author

  • Repetek News

    View all posts

About the Author

Repetek News

Administrator

View All Posts

Post navigation

Previous: Maligayang pagdating, Seabourn Encore!
Next: Update sa Flood Control Project ng City Government, inilatag

Related News

image-1382746363336149
  • National
  • National and International
  • Palawan Affairs
  • Religion

Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70

Repetek News

January 26, 2026
Business Suite_creation_1572764704131299
  • Police Report

Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay

Repetek News

October 6, 2025
Joshua Lavega Abrina
  • Headlines
  • Palawan Affairs
  • Police Report

Imbestigasyon sa pamamaslang kay Abrina, tinututukan

Repetek News

September 19, 2025

Recent Posts

  • Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70
  • English Accres Program Scholarship sa ‘Pinas
  • TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI
  • Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay
  • “WALANG DEMOLISYON” – GARCIA

Recent Comments

  1. Prov’l Health, puspusan sa pagkasa ng HIV-related training – REPETEK.NEWS on HIV ang mas malaking problema ng Pilipinas: DOH

Trending Now

Latest News

  • Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70
  • English Accres Program Scholarship sa ‘Pinas
  • TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI
  • Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay
  • “WALANG DEMOLISYON” – GARCIA

You may have missed

image-1382746363336149
  • National
  • National and International
  • Palawan Affairs
  • Religion

Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70

Repetek News

January 26, 2026
614758517_1370905731715019_5041477566248361328_n
  • National and International

English Accres Program Scholarship sa ‘Pinas

Jent Carlos Gardoce January 14, 2026
Illegal logging
  • Uncategorized

TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI

Repetek News

December 26, 2025
Business Suite_creation_1572764704131299
  • Police Report

Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay

Repetek News

October 6, 2025
You may also follow us on Facebook! | MoreNews by AF themes.