Photo courtesy | PPO-Palawan

PUERTO PRINCESA CITY — Humigit-kumulang isandaang (100) gramo ng pinaghinihinalang ‘shabu’ ang nakumpiska ng mga awtoridad sa Bgy. Buliluyan, Bataraza, Palawan nitong nakalipas na Biyernes, Pebrero 21.

Sa ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad, nasakote si Alyas “Daday”, 44-taong gulang, residente ng Bgy. Mangsee, Balabac, Palawan, na kung saan nakuha sa pangangalaga ng babaeng durugista ang iligal na droga na nagkakahalaga ng mahigit 600-libong piso.

Unang nabilhan ang suspek ng 48.89 gramo ng ‘shabu’ na nagkakahalaga ng P70,000. Nang arestuhin ng mga awtoridad ang suspek, nakuha sa pangangalaga nito ang buy bust money at iba pang drug sachets.

Nahaharap sa paglabag sa Section 5 at 11 ng Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.

Author