Skip to content

Repetek.News

Ang Diyaryo ng Pilipino

Primary Menu
  • NEWS
    • METRO PUERTO
    • NATIONAL
  • BUSINESS
  • LIFESTYLE
    • CULTURE
    • RELIGION
    • FENG SHUI
    • ALAM MO BA
  • COMMUNITY
    • PALAWAN AFFAIRS
    • POLICE REPORT
  • ENVIRONMENT & TOURISM
    • FLORA & FAUNA
  • WEATHER
  • SPORTS
  • OPINION
  • ABOUT US
  • Home
  • Environment & Tourism
  • “Lahat ng ginagawa namin ay ayon sa batas”- Matta
  • Environment & Tourism
  • Headlines
  • Metro Puerto
  • Palawan Affairs

“Lahat ng ginagawa namin ay ayon sa batas”- Matta

Clea Faye Cahayag March 9, 2025 2 minutes read
“Lahat ng ginagawa namin ay ayon sa batas”- Matta

Photo courtesy |

Repetek News

Dinepensahan ni PCSDS Executive Director Atty. Teodoro S. Matta ang Palawan Council for Sustainable Development (PCSD) kaugnay sa mga isyung ibinabato sa ahensiya at sa mga miyembro nito.

Ito ay kasunod nang naging pahayag kamakailan ni PCSD Chairman, Governor Victorino Dennis Socrates kung saan pinuna nito ang bigong pagsasagawa ng buwanang council meeting, mga proyektong nabibinbin dahil hindi pa na-iisyuhan ng SEP Clearance at expiration ng membership ng ilang miyembro ng konseho.

Ayon kay Matta bilang Executive Director at miyembro ng konseho lahat ng aksiyon na kanyang ginagawa ay alinsunod sa kanyang katungkulan sa republika.

Binigyang diin din nito na walang “corrupt” sa kanilang hanay dahil lahat ng desisyon at hakbang ng ahensiya ay dumadaan sa konsultasyon at naaayon sa batas.

“We present only the truth. We impute no wrong doing. We insinuate no bad faith and we only want to clear our names.

Wala kaming ginagawang masama. Lahat ng ginagawa namin ay ayon sa batas, ayon sa patakaran nakasulat, recorded. Wala kaming pinapalusot na papel, lahat dumadaan sa konsultasyon, lahat dumadaan sa konseho. Wala kaming katiwalian hindi dapat kami ginaganyan kung ano man yan. Huwag na kaming idamay sa kung anumang alitan dahil trabaho lamang kami. We are professional and we will continue to be professional diligent with integrity at your service.

We are the technical staff of the Palawan Council for Sustainable Development and that’s we are technical staff,” ang paliwanag ng opisyal sa Palawan Media.

Ayon kay Matta, sa ngayon ay wala pa silang legal action na gagawin sapagkat nais lamang anilang maitama ang mga maling paratang sa ahensiya at mga miyembro nito.

About the Author

Clea Faye Cahayag

Author

View All Posts

Post navigation

Previous: Barko ng PCG na BRP Cabra, napigilan ang paglapit ng China Coast Guard sa baybayin ng Zambales
Next: Magsasaka, pinagtataga ng kapuwa-magsasaka sa Narra

Related News

image-1382746363336149
  • National
  • National and International
  • Palawan Affairs
  • Religion

Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70

Repetek News

January 26, 2026
FB_IMG_1759547789526
  • Headlines
  • Metro Puerto

“WALANG DEMOLISYON” – GARCIA

Repetek News

October 5, 2025
Joshua Lavega Abrina
  • Headlines
  • Palawan Affairs
  • Police Report

Imbestigasyon sa pamamaslang kay Abrina, tinututukan

Repetek News

September 19, 2025

Recent Posts

  • Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70
  • English Accres Program Scholarship sa ‘Pinas
  • TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI
  • Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay
  • “WALANG DEMOLISYON” – GARCIA

Recent Comments

  1. Prov’l Health, puspusan sa pagkasa ng HIV-related training – REPETEK.NEWS on HIV ang mas malaking problema ng Pilipinas: DOH

Trending Now

Latest News

  • Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70
  • English Accres Program Scholarship sa ‘Pinas
  • TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI
  • Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay
  • “WALANG DEMOLISYON” – GARCIA

You may have missed

image-1382746363336149
  • National
  • National and International
  • Palawan Affairs
  • Religion

Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70

Repetek News

January 26, 2026
614758517_1370905731715019_5041477566248361328_n
  • National and International

English Accres Program Scholarship sa ‘Pinas

Jent Carlos Gardoce January 14, 2026
Illegal logging
  • Uncategorized

TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI

Repetek News

December 26, 2025
Business Suite_creation_1572764704131299
  • Police Report

Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay

Repetek News

October 6, 2025
You may also follow us on Facebook! | MoreNews by AF themes.