Photo courtesy | Palawan Rescue San Vicente Operation Center

Sugatan ang dalawang kalalakihan matapos maaksidente sa sinasakyang motorsiklo sa bahagi ng Sitio Panindigan, Brgy. Poblacion nitong Linggo, Marso 9.

Ayon sa ulat, pauwi umano ang dalawang biktima sa Brgy. New Agutaya nang

mawalan ng kontrol sa manibela ang driver ng motorsiklo pagdating sa pinangyarihan ng insidente.

Napag-alaman naman ng kapulisan na nasa impluwensya ng alak ang dalawang biktima nang mangyari ang insidente.

Agad na rumesponde ang mga kawani ng Palawan Rescue San Vicente upang lapatan ng paunang lunas ang mga biktima bago dalhin sa Rural Health Unit ng nasabing bayan.

Author