KRITIKAL ang lagay ng isang magsasaka matapos pagtatagain ng nakainumang kapuwa-magsasaka sa nabanggit na bayan nitong gabi ng Sabado, Marso 8.

Kinilala ang biktima na si alyas “Miko”, 27-anyos, habang ang suspek ay kinilala na si alyas “Elton”, 26-anyos, kapuwa residente ng Bgy. Burirao sa bayan ng Narra, Palawan.

Ayon sa kapulisan, nag-iinuman umano ang biktima at suspek kasama ang dalawa pang kalalakihan nang biglang pinagtataga ng suspek ang biktima.

Mabilis namang naisugod ang biktima sa pagamutan habang arestado naman ng mga rumespondeng tanod ang suspek na kung saan nakuha sa kaniyang pangangalaga ang itak na ginamit sa krimen na mahaharap sa kasong frustrated murder.

Author