Ulat ni Joana Pacquing
Inanunsyo ng Embahada ng Estados Unidos ang paglulunsad ng tatlong bagong English Access Program Scholarship sa Pilipinas, partikular sa Lungsod ng Davao, lalawigan ng Bohol, at Bataan, na direktang pakikinabangan ng 150 mahuhusay na Pilipinong mag-aaral.
Ayon sa Embahada, ang programa ay isang partnership sa pagitan ng Regional English Language Office ng Embahada ng Estados Unidos, Kagawaran ng Edukasyon ng Pilipinas (DepEd), at mga pampublikong paaralan sa bawat lugar.
“Students and teachers selected through a competitive, merit-based process gain invaluable skills from American innovation and excellence in English language content and instruction, preparing them to enter the workforce,” pahayag ng Embahada.
Pinondohan ng Bureau of Educational and Cultural Affairs ng U.S. Department of State, ang dalawang-taong after-school program na naglalayong palakasin ang kahusayan sa wikang Ingles habang hinuhubog ang mga kasanayan sa digital, leadership, at critical thinking ng mga mag-aaral sa pampublikong paaralan na may edad 13 hanggang 15.
“By focusing on advanced literacy and professional-level communication, we are preparing these high-achieving students for the demands of the global workforce,” pahayag ni Jeff McIlvenna, Regional English Language Officer ng Embahada ng Estados Unidos. “Their success is a direct investment in the future of the U.S.-Philippine relationship and our shared goals—ultimately making both our nations safer, stronger, and more prosperous,” dagdag pa niya.
Noong Enero 8, inilunsad ng Regional English Language Office ang unang cohort para sa taong 2026 sa Pablo M. Piatos Sr. Integrated School sa Bunawan, Lungsod ng Davao, kung saan napili ang 50 natatanging mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan sa lugar.
“The English Access Scholarship Program plays a significant role in raising the English proficiency of learners, especially those from far-flung schools. Through well-structured weekly lessons, interactive, learner-centered activities, and support from mentors, the program builds learners’ confidence and communication skills in English, empowering them to express themselves more effectively and opening wider academic and future opportunities,” pahayag ni Rebecca Sagot, Assistant Superintendent ng Department of Education Davao City.
Samantala, inilunsad din noong Enero 10 sa Panglao, Bohol ang ikalawang cohort na binubuo ng limampung (50) mag-aaral mula sa Lourdes National High School. Binubuo rin ng 50 mag-aaral ang ikatlong cohort na nakatakdang ilunsad sa Enero 17 sa City of Balanga National High School sa Lungsod ng Balanga, lalawigan ng Bataan.
Mula nang itatag ito noong 2004, mahigit 200,000 mag-aaral sa higit 85 bansa ang nakatanggap ng English Access Program Scholarship, kabilang ang halos 1,500 alumni sa Pilipinas. Ang mga gurong kabilang sa programa ay bahagi rin ng isang pandaigdigang network ng mga Access teacher na patuloy na pinauunlad ang kanilang kakayahan sa pagtuturo sa pamamagitan ng kahusayan ng American English upang mas mapaglingkuran ang kanilang mga komunidad.
| Kanan: Makikita si Jeff McIlvenna, Regional English Language Officer ng Embahada ng Estados Unidos (gitna), na nakikipag-usap sa mga mag-aaral mula sa English Access Program Davao City cohort.