PHOTO/TOMMY ABILE FACEBOOK PAGE

PUERTO PRINCESA CITY — Natural causes ang dahilan ng pagpanaw ni Tommy ‘Bigwas’ Abile na kilalang isang komentarista sa radyo ng Bigwas News Nationwide, ayon sa Facebook post ng nasabing istasyon ngayong ika-21 ng Hulyo, 2023.

Si Abile o mas kilalang BIGWAS ay isang beteranong mamamahayag na nagsilbi ng halos walong taon bilang komentarista sa radyo sa lalawigan ng Palawan.

Iniidolo siya ng marami dahil sa kanyang ipinakitang dedikasyon pagdating sa kanyang propesyon na may tapang at handang niyang ibunyag ang mga anomalya sa lalawigan.

Matatandaang, noong buwan ng Abril ay naging matagumpay umano ang kanyang operasyon sa kanyang Apdo, batay sa kanyang Facebook post.

“Kahit sa panahon ng iyong panghihina, hindi ka nagsawang tumulong sa mga Palaweñong lumalapit sa himpilan. Hinding-hindi matutumbasan ang iyong katapangan at paninindigan. Mananatili ka sa aming isipan,” ayon sa kanyang mga kasamahan sa istasyon.

Author