Photo Courtesy:
Repetek News
Ni Rodolfo Idusora
Nabahala ang isang pamilya nang madiskubre’t makuhanan ng kanilang closed-circuit televesion (CCTV) camera ang isang lalaking umaaligid sa kanilang tahanan sa gitna ng gabi.
Ayon sa may-ari ng bahay, tinangka umanong pumasok sa kanilang compound ang suspek ng gabing iyon.
Napansin nila ang kahina-hinalang kilos ng lalaki habang nasa labas ng kanilang bahay. Nang komprontahin siya ng mga residente, sinabi umano nito na magso-solicit lamang siya.
Ikinabahala pa rin ng pamilya ang paliwanag ng lalaki dahil sa dis-oras ng gabi ang kaniyang pagpunta, bagay na itinuturing nilang hindi pangkaraniwan para sa ganitong gawain.
Dahil sa insidente, nananawagan ang may-ari ng bahay sa sinumang nakakakilala sa lalaking nasa CCTV na makipag-ugnayan sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya o sa iba pang kinauukulang awtoridad upang makatulong sa imbestigasyon at mapanatili ang seguridad sa kanilang komunidad.
Pinaalalahanan din ang publiko na manatiling mapagmatyag at agad iulat sa mga awtoridad ang anumang kahina-hinalang kilos o tao sa kanilang lugar. Sa ngayon, wala pang inilalabas na opisyal na impormasyon mula sa pulisya kaugnay ng pagkakakilanlan ng naturang lalaki.