Photo Courtesy: CITY VETERINARY OFFICE
Ni Clea Faye Cahayag
Magsasama-sama ang mga beterinaryo mula sa iba’t ibang lugar sa rehiyon ng Mimaropa para sa isasagawang Mass Sterilization sa lungsod ng Puerto Princesa.
“This week naman mayroon tayong isasagawang programa, initiative ng City Vet ‘yung Mass Sterilization ng mga female na [pusang kalye] at saka [asong kalye] pero p’wede rin ‘yung mga alaga kung dadalhin ng may-ari. P’wede rin i-sterilize ang mga pets na ito,” ang anunsyo ni Mayor Bayron sa flag raising ceremony ng city government.
Ang aktibidad ay pangungunahan ni Dr. Jose Victoria ng Marinduque Provincial Veterinary Office kasama ang iba pang mga beterinaryo mula Romblon, Philippine Coastguard, Western Command at Provincial Veterinary Office at iba pa.
Ibinahagi rin ni Bayron na pinuri ang programa ng lokal na pamahalaan kaugnay sa responsableng pangangalaga ng mga alagang aso’t pusa at pagkontrol sa kanilang populasyon sa lungsod.
“At sabi ni Dr. Victoria kanina successful daw sa buong Mimaropa, pinakasuccessful ‘yung ating Mass Sterilization dito sa lungsod ng Puerto Princesa. Congratulations sa ating City Vet.,” dagdag pa ng Alkalde.