Editor’s Note: “Blurred” ang larawan ng biktima o suspek alinsunod sa probisyon ng Data Privacy Act. / Photo Courtesy: PCSDS
Ni Samuel Macmac
Kasong paglabag sa Presidential Decree 705 o Revised Forestry Code of the Philippines ang tatlong (3) kalalakihan na aktong gumagamit ng dalawang unregistered chainsaws, kamakailan.
Inaresto ng mga kawani ng Palawan Council for Sustainable Development Staff (PCSDS) ang mga suspek sa Barangay Manlag, sa bayan ng El Nido, noong nakalipas na Martes, Hulyo 14.
Sa nakuhang impormasyon ng
Repetek News
, isinagawa ang operasyon sa pamamagitan ng Wildlife Enforcement Officers-North, katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan- Peace and Security Custer. Naaktuhan ang mga suspek habang pinuputol at tsina-chop-chop ang mga punongkahoy na Falcata at Apitong.Napatunayang hindi rehistrado ang chainsaw ng mga nasabing indibidwal, na malinaw na paglabag sa Republic Act 9175 o Chainsaw Act, batay sa imbestigasyon ng ahensiya.
Lumabag din ang pagputol ng mga puno sa Presidential Decree 705 o Revised Forestry Code of the Philippines. Agad na kinumpiska ng mga awtoridad ang mga chainsaw at nag-isyu ng Seizure Receipts.
Dinala sa barangay hall ng naturang lugar ang mga nahuling indibidwal kasama ang mga nakumpiskang kagamitan para sa wastong dokumentasyon at blotter recording.