August 4, 2026
FB_IMG_1785805896893

Photo Courtesy: OFWAKO ‎

Ni Ferds Cuario

‎Pitong Overseas Filipino Workers (OFWs) na Palaweño na naapektuhan ng tensyon at kaguluhan sa pagitan ng Iran at United States ang nabigyan ng agarang ayuda mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA)-Palawan.

‎Sa panayam kay Ms. Adignita A. Elijan, Family Welfare Officer ng OWWA-Palawan, sa ginanap na Kapihan sa SM ng Philippine Information Agency (PIA), nitong Hulyo 29, sinabi niyang nakatanggap ang mga apektadong OFW ng financial assistance na nagkakahalaga ng ₱10,000, ₱20,000, at ₱30,000, depende sa bansang kanilang pinanggalingan at sa programang kanilang kinabibilangan.

‎Bukod sa pinansyal na tulong, tiniyak din ng OWWA ang pagbibigay ng assistance sa kanilang repatriation hanggang sa ligtas silang makabalik sa Palawan.

‎Ayon pa kay Elijan, bagaman wala sa kasalukuyan ang malalaking institutional activities ng OWWA sa Palawan, nagpapatuloy naman ang regular na serbisyo ng ahensya, kabilang ang iba’t ibang scholarship at welfare programs para sa mga OFW at kanilang pamilya.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *