August 16, 2026
FB_IMG_1786753718702

Editor’s Note: “Blurred” ang larawan ng biktima o suspek alinsunod sa probisyon ng Data Privacy Act. | Photo Courtesy: PalPPO

Ni Samuel Macmac

Himas-rehas ngayon ang tatlong residente ng Brgy. Binga, San Vicente, Palawan matapos lumabas ang kanilang warrant of arrest kaugnay sa paglabag sa Revised Forestry Code of the Philippines.

Sa isinagawang operasyon sa Purok New Site ng nasabing barangay, naaresto ang tatlong suspek na nag-eedad 54-anyos na construction worker, isang 26-anyos na construction worker din, at isang 30-anyos na magsasaka.

Ang operasyon ay pinangunahan ng San Vicente Municipal Police Station (MPS) sa pamumuno ni PCPT Mae Anne G. Claus, katuwang ang Provincial Intelligence Unit (PIU), 2nd Provincial Mobile Force Company, at 2nd Special Operations Unit -Maritime Group (SOU-MG) na ikinasa nitong Agosto 12.

Batay sa warrant of arrest na inilabas ni Presiding Judge Anna Leah Y. Tiongson-Mendoza, Regional Trial Court (RTC) Branch 164, Roxas, Palawan, kinasuhan ang tatlong indibidwal dahil sa paglabag sa Section 77 (dating Section 68) ng Presidential Decree No. 705 o Revised Forestry Code.

May inirekomenda naman an korte na piyansang P10,000 para sa bawat isa para sa kanilang pansamantalang kalayaan. Samantala, kasalukuyan silang nasa kustodiya ng San Vicente MPS para sa dokumentasyon at kaukulang proseso.

Hinikayat naman ni Police Colonel Joel D. Casupanan, Provincial Director ng Palawan Provincial Police Office (PalPPO), ang publiko na maging mapagmatyag at agad na magbigay ng impormasyon ukol sa mga wanted persons at iligal na aktibidad sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya o 911 hotline.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *