Brutal man, pero marami na ang huma-Hyrox
Photo Courtesy: : Freyja Fit
Ni Albert Villamor Jr.
Brutal ang HYROX, pero maraming mga tao sa mundo ang sumusubok nito.
Brutal ang HYROX dahil isa itong ehersisyo o palaro na sinusubok ang katatagan ng katawan mo, pag-iisip, at katatagan.
Wala pang palarong HYROX sa Pilipinas, pero may mga nagsasabing paparating na ito. Kailangan lang talaga ng “logistical tetris” o pagpaplano, ayon sa website ng SwimBikeRun.
Isipin mo na lang: nasa loob ka ng isang building o gusali kung saan ginaganap ang isang HYROX, nakasuot ng sports attire ang mga manlalaro, pero hihingalin sila dahil sa hirap ng palarong ito sa buong katawan mo, pero sumasali pa rin sila.
Brutal ang Hyrox, na matatapos mo sa loob ng isa hanggang dalawang oras kung baguhan ka pa lang.
Ang HYROX ay isang palarong “indoor” o hindi sa labas ng isang establisyemento. Ang palaro ay pinagsasama ang walong kilometrong pagtakbo at walong functional workout stations.
Ganito ginagawa ang Hyrox: Tatakbo ka ng isang kilometro, susundan ng isang functional station, tapos uulitin mo iyan ng walong beses, tapos may walong workout stations: 1,000m SkiErg, Sled Push, Sled Pull, Burpee Broad Jump, Row, Farmer’s Carry, Sandbag Lunges, at Wall Balls.
Hihingalin ka talaga pagkatapos ng isang session.
Sa Pilipinas, may mga lugar na rin kung saan isinasagawa ang mala-HYROX na palaro kagaya ng sa Pretty Huge sa Bonifacio Global City. Pero hindi ito ang tumpak na palarong HYROX. May mga Pilipino ngang pumupunta pa sa ibang bansa para lang masubukan ang totoong HYROX.
Ang maganda raw sa HYROX ay hindi ka mape-pressure na maging huli, kasi hindi ka naman nakikipag-kompetensiya talaga. Kailangan lang matapos mo ang palaro nang maayos.
Siguraduhin mo lang na mayroon kang Hybrid Running Shoes, Blister-Resistant Socks, at Grip Protection/Gloves kapag maglalaro ka nito, kasi nga “brutal” ito.
Germany ang bansang nagbigay ng buhay sa HYROX. Ang nagimbento nito ay sina Christian Toetzke, Moritz Fürste, at Michael Trautmann.
Marami na ring bansa sa buong mundo ang nagsagawa ng palarong HYROX: USA, UK, Germany, Spain, Australia, Thailand, at South Korea.
Isa sa mga Pilipinong sumubok na ng HYROX ay si Isabelle Daza at ang kanyang French na asawa na si Adrien Semblat.