Handog ng Pangulo: Serbisyong sapat para sa lahat
Photo courtesy: PIO Palawan
Ni Albert Villamor Jr.
Isinagawa kahapon, Set. 14, ang ‘Handog ng Pangulo: Serbisyong Sapat para sa Lahat’ sa Kapitolyo at Robinson’s Place Palawan.
Ang ‘Handog ng Pangulo: Serbisyong Sapat para sa Lahat’ ay isang programa ng gobyerno para mas mailapit at ihatid ang serbisyo ng gobyerno kagaya ng frontline services, financial assistance, and multi-agency programs, sa mga taong nangangailangan ng mga ito.
Ang mga ahensiya ng gobyerno ng nagbigay ng serbisyo sa programa ay: Department of Interior and Local Government, Department of Agriculture, Philippine Coconut Authority, Philippine Crop Insurance Corporation, Department of Agrarian Reform, Technical Education and Skills Development Authority.
Kasama rin ang Palawan State University, Commission on Higher Education, DSWD- Sustainable Livelihood Program, at Department of Migrant Workers, at iba pang ahensiya ng gobyerno at pribadong sektor.
Unang nagsimula ang programa noong 2024 sa ilalim ng Opisina ng Pangulo ng Pilipinas na isinasagawa sa buong Pilipinas tuwing Setyembre.